(Asado, Lechon Kawali, White Chicken, Seaweeds and Century Eggs)
Oh, it was perfect! Didn't know that masarap pala ang version nila nito:)
(Sawa na kasi ako sa Steamed King Fish nila eh)
The other day, hubby went to Divisoria to buy some ID lace. Before going home, he sees to it that he'll drop by at our suking fruit vendor in Sto. Cristo. This time he bought fresh cherries and some fruits. I didn't have any idea that it's quite expensive pala, P 700 per kilo. He only bought 1/4 kilo of it. (Kaya pala ang konti ng cherries sa mga cans ng fruit cocktails, hehehe)
He's a very responsible father. He will do anything to give the best for his children. He loves the kids so much that's why I adore him... I love you very much sweetipie :)
I just want to share with you guys one of the best tapsilog joint in the metro. On the first day of school of Justine, we all went to Diliman to show our support to kuya and we also wanted to eat breakfast ng sabay-sabay at Rodics. The best ang kanilang tapsilog, hindi ka mabibitin sa beef na super tasty.
The shredded beef is on top of the rice.
I like the taste, medyo sweet ng konti ang beef.The place is always full everytime na dadaan kami sa shopping center where Rodic is located.
Sarap talaga... you'll keep coming back kapag natikman mo!
Because of the ocassion, nag-request ang mga kids ng masarap na lunch. Jeffrey wants Lechon and Justine likes to eat mechado, para walang gulo, hehehe ay pinagbigyan na lang pareho.
Hubby decided to buy Lechon sa Mila's in La Loma, Q.C. instead na bumili kami ng liempo at ipaluto sa pugon sa bakery ay dumayo na lang kami sa Mila's.
Naku ang ipinangako kong update ay hindi natupad dahil naging busy ako sa pasukan ng mga bata. Dami kong binalutang books and notebooks, eh color coding pa kaya doble hirap. Pero okay lang kasi sinusuklian naman nila ng good grades ang mga paghihirap namin :) Anyway, back to fiesta mode tayo, here are the pictures taken last Sunday.
Ang aga pa lang ay may umiikot ng banda sa Tugatog kaya feel na feel mo ang fiesta atmosphere.
cute ng batang drummer (feel na feel niya ang ginagawa niya)
Dumadaan talaga sa bahay namin kasi corner lot kami at along the main road pa kaya walang ligtas ang mga ganitong scenes...
Hapon na ikot pa rin sila... di bale mukhang busog na busog naman sila sa dami ng bahay na nagpapa-merienda sa green band na ito.
Hindi mawawala ang senaryong ito pag fiesta dito, sa gitna ng daan ay may mga kabataang may dalang mga batya na nanghihingi ng coins sa mga dumadaang sasakyan.