Monday, January 11, 2010

Medyo Bisi-bisihan na naman ako!

Hay naku! Hindi naman talagang bising-bisi dahil medyo naiayos ko na ang ibang kakailanganin para sa nalalapit na 7th Birthday ni Jeff sa Sunday. Medyo nakaka-tense lang dahil gusto kong maging maganda ang kanyang kaarawan. Naipamigay na lahat ng imbitasyon at na-confirm ko na rin ang attendance nila sa Sunday. Kanina ay inasikaso ko naman ang mga gagamitin tulad ng mga prizes for the games, yung laman ng piƱata, yung pabitin, at yung kanyang loot bags at kung ano-ano pa ang mga ilalagay sa loob nito. Actually, inayos ko na rin lang ang mga ito dahil naunti-unti ko ng bilhin ang iba sa mga rito ilang buwan na ang nakakaraan, pati nga ang mommy ko ay nakatuwaang magpadala ng ibang pwedeng gamitin sa party ni Jeff.
Ay, basta i'll update you guys kung ano na ang development ilang araw bago dumating ang Linggo. Pero sana ay maging maayos talaga ang lahat!
Naku pa pala! Lakbay Aral (Fieldtrip) pa pala namin bukas. Ayusin ko nga muna ang mga babaunin namin....

2 comments:

  1. Busy mom talaga ah! goodluck! happy bday sa iyong little boy jeff :)

    ReplyDelete
  2. Ganyan din ako last November nung 2nd bday ni ykaie. Kina-reer talaga namin ni ate.

    ReplyDelete

Let me here from you ...